Taong 2013 nang binuksan ang usapin tungkol sa pagtatanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Gustong ipatupad ng CHED angay CMO no.20 s2013. Subalit hindi sila nagtagumpay dahil ipinaglaban ito ng mga dalubhasa sa Filipino ang asignaturang ito. Gayun paman, hindi ibig sabihin na hindi na manganganib ang asignaturang Filipino, dahil may posibilidad parin na bumalik any usaping ito. Kung bumalik man ang usaping ito, sana ay mayroon paring Pilipino na lalaban at babatikos sa mga nagtatangka na burahin ang asignaturang Filipini sa kolehiyo.
Ang asignaturang Filipino ay lubos na mahalaga sa koliheyo. Dito nagkakaroon nang mga guro sa Filipino na siyang magtuturo sa elementarya, sekondarya at pati na rin sa kolehiyo. Kung mawawala ito, sino ang magtuturo ng Filipino sa mga Bata sa susunod na henerasyon? Paano pa nila malalaman ang nakaraan ng kanilang wika't pagkakakilanlan? At paano pa nila papahalagan ang mga Panitikang Filipino ?. Ipagtanggol natin ang asignaturang Filipino sa Pilipinong nagtatangkang tanggalin ito.
"Ang asignaturang Filipino ang nagpapahalaga sa Wikang Filipino, wikang kinamulatan ko, wikang kinamulatan ng maraming Pilipino. Ipaalam natin ang nakaraan at kahalagahan nito hanggang sa huling may dugong Pilipino gagamit nito."